Tuesday, August 13, 2013

NGANGA





     Ekspresyong hindi maaalis kapag namamangha sa mga magic ni sir sa computer niya. Kaya bilib na bilib kami sa kanya. Ito yung feeling na first time mo yung makita. Nakakatawa nga bilang layout artist marami pa pala akong kakaining bigas. Hindi pa pala sapat ang aking kaalaman para maging isang huwarang layout artist. (hahaha...taas ng pangarap)

Word, Word, Word





                Sa aming pagpapatuloy sa com sci ngayon ko lang nalaman na marami pa pala akong hindi alam sa MS Word. Ngayong Agosto 13, 2012 meron nanaman akong natutunan na kakaiba. "MAIL MERGE" ang aming lesson. Sa pamamagitan nito konte na lang ang guguguling oras sa pagpeprint ng mga dokumento especially kapag marami ang padadalhan. 

Mata at Tenga??? HUH??


        


     Dalawang bagay na kelangang kelangan mo sa loob ng com lab. Kelangan mo ang talas ng iyong mata at tenga para hindi ka mawala sa iyong landas. Tiyak isang pagkakamali lang ay bawas grade na agad. Naexperience ko na yan kaya ngayon ingat na ingat na ako. Nauso na rin sakin yung tanung tanung din sa katabi pag may time kasi minsan hindi na inuulit ni sir ang mga instructions na ibinigay niya. Kung ako sainyo hasain niyo na yan habang maaga pa.

CRAMMING?

credits to: GOOGLE IMAGES


    Yes CRAMMING ang salitang kadalasang maririnig mo sa loob ng com lab. Palaging hindi yan mawawala lalo na kapag may hands-on activities. Himala na lang kapag hindi mo yan narinig sa buong period ng Com. Sci. Tinatawag na nga namin ang aming sarili na "master crammers" dahil maging sa ibang subject ganun din ang aming klase. Kaya sa tingin magiging memorable ang bawat sandali sa loob ng com lab.

ORAS





          Oras isa mga mahalagang elemento kapag nasa loob ka ng computer laboratory. Kailangan mo maging mabilis sa paggawa para makamit mo ang deadline na hinihingi ni sir. Dapat palagi kang focus sa paggawa para hindi ka rin maiwan at maging maganda ang kalalabasan nito. Dapat din marunong kang maghati ng oras para hindi ka magcramming. (hahahahaha!)

Sunday, August 11, 2013

Text vs GUI Base Navigation

Command Prompt

        First time ko gumamit nito kaya confused pa ako kaya follow lang ako ng follow sa instructions  ni sir. So far maganda naman yung kinalabasan nung test. Sabi ko nga parang magic nga habang naghahands on kami . Sa tingin ko mas maganda siya gamitin kapag alam mo lahat ng commands. Less effort na rin kapag gamit mo to.

Is MOODLE a MODIFIED DOODLE?

 


      Sa taas ay makikita niyo ay isang doodle art at yan ang unang pumasok sa isip ko nung narinig ko ang moodle. Yun pala ay parang isa tong facebook na exclusive lamang para sa mga pisayano. Maganda ito dahil maaari ka nang makapag-aral ng mga lessons niyo gamit ang internet. Ibang-iba pala ito sa iniisip ko kaya natatawa ako sa sarili ko. 


My Mentor

             Siya si Sir Tom Jordan Secundo o mas kilalang Sir Tom. Siya ang aming guro sa Computer Science at dorm manager ng Boys' Dormitory. COOL yan ang first impression ko sa kanya dahil nga mukhang teenager tapos kitang kita naman sa galaw. Mabaet siya di siya ganun kaistrikto basta wag ka lang magingay. Sa pagkakaalam ko mahilig siya sa ADVENTURE TIME at mahal niya din ang kanyang kamera.


Saturday, August 10, 2013

Computer Laboratory


Computer Laboratory, yan yung lugar kung saan kami nagcocom.sci. Naglalaman ito ng dalawang aircon, 30 computers, whiteboard, at isang malaking tv ata yun(hehe). Malamig, malinis, walang ingay(minsan pagbusy lahat) yan yung mga salitang mailalarawan ko sa lugar na ito.

The SCIENCE of AWESOMENESS

credits to: GOOGLE IMAGES

                           Yung feeling na narinig mo yung "computer science" tapos kinabahan ka, kung ano-ano na pumapasok sa isip mo, natataranta ka, at higit sa lahat manonosebleed ka(pero minsan OO). Puwes mali ka kabaliktaran ata yan. Para saken nung nalaman kong may subject na ganito, nasiyahan ako dahil maeenhance pa yung mga nalalaman ko. Masaya palagi pag com.sci kasi maliban sa COOL na teacher, nakaaircon ka pa. Hahaha! San ka pa? Ang salitang "masaya" isa sa mga salitang naglalarawan sa COMPUTER SCIENCE para saken.